Kasado na ngayong araw ang miting de avance sa Metro Manila ng ilang kandidato sa pagka-presidente at bise-presidente sa halalan 2022 na gaganapin sa Lunes, Mayo a-9.
Una rito si Vice President Leni Robredo at running-mate na si Kiko Pangilinan na magaganap sa Ayala Avenue, Corner Makati City.
Ngayong araw din magaganap ang miting de avance nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte na mangyayari naman sa harap ng Solaire Resort and Casino sa Parañaque City.
Gaganapin din ngayong araw ang miting de avance ni Aksyon Demokratiko standard-bearer Isko Moreno Domagoso at tandem nitong si Doc Willie Ong sa Moriones naman sa Tondo, Maynila.
Naganap na kahapon sa Cebu City ang una sa dalawang miting de avance ng presidential candidate na si Manny Pacquiao at running mate nito Lito Atienza habang ang pangalawa ay sa General Santos Oval.
Ibinabala naman ng otoridad ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa venue ng event kaya pinayuhan ang mga motoristang humanap ng ibang ruta.
Kahapon, una nang isinagawa ang miting de avance si presidential candidate Senator Panfilo Lacson at tandem nito na si Senate President Vicente Sotto III.