Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Surigao del Sur province.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang pinagmulan ng lindol na tumama sa layong labing-anim na kilometro silangan ng bayan ng Marihatag.
May 31 kilometro ang lalim ng pagyanig kung saan naramdaman ang Intensity III sa Bislig City at Tandag City, at Surigao del Sur.
Wala namang inaasahang aftershocks at danyos sa naturang lindol.