Dalawang araw bago ang halalan 2022, sinimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagsira ng mga depektibo at roadshow na balota.
Pinangunahan ito ni Comelec Commissioner George Garcia sa harap ng media, political parties at iba pang mga nag-oobserba sa National Printing Office sa Quezon City.
Binigyang diin ni Garcia na ang mga depektibong balota ay mayroong mga mantsa, maling kulay, maling sukat at iba pa.
Samantala, sinabi ng newly appointed spokesperson ng COMELEC na si John Rex Laudiangco na nasa 933, 311 ang kabuuang bilang ng deffective ballots na sisirain sa loob ng tatlong araw.