Sinimulan na ng Davao City Police Office o DCPO ang pagsasampa ng kaso laban sa libo-libong indibidwal na nakatanggap ng citation tickets dahil sa hindi pagsusuot ng face mask pero hindi nakapagbayad ng multa.
Ayon sa pulisya, mula nang umarangkada ang pagpapatupad ng ordinansa noong January 1, 2022 ay umabot sa 10,147 individuals ang mga nasita nila.
Sa nasabing bilang, nasa 2,861 lamang ang nakapagbayad ng multa.
Babala naman ni DCPO director Colonel Alberto Lupaz, isusulong nila ang kaso laban sa iba pang indibidwal kapag hindi nakapagbayad ng multa ang mga ito sa loob ng limang araw.
Sa kasalukuyan, pumalo na sa 2,414 individuals ang kabuuang bilang ng mga nakasuhan dahil sa paglabag sa naturang ordinansa.