Nagpaalala ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa mga botante na huwag ibenta ang kanilang mga boto.
Sa isang Facebook post, sinabi ng PACC na dapat pumili ang mga botante ng kandidato na mayroong magandang track record at plataporma.
Sa ilalim ng batas pambansa bilang 881, ang vote-buying at vote selling ay mahigpit na ipinagbabawal.
Samantala, maglulunsad ang Comelec ng citizen complaint center na magsisilbi bilang communication channel para sa publiko na magre-report ng mga naturang insidente na personal na nasaksihan.