Nanawagan ng tatlong araw ng pagdarasal ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) para sa maayos at malinis na halalan bukas, Mayo a-9.
Ayon kay CBCP president Pablo Virgilio David, hinimok nito ang mga obispo na magsagawa ng pagdarasal simula ngayong araw, Mayo a-8 hanggang a-10.
Ito ay para alisin ang masasama na manggugulo sa Halalan.
Hinikayat naman ni David ang mga pari na panatilihing buksan ang simbahahan para sa mga mananampalataya.
Dakong alas-6 ng umaga bukas, patutunugin sa loob ng sampung minuto ang kampana sa lahat ng simbahan bilang hudyat na pagsisimula ng Halalan 2022.