Handa na rin ang pamunuan ng Manila – Cavite toll Expressway o CAVITEX at Cavite-Laguna Expressway o CALAX para sa dagsa ng mga uuwi sa kanilang probinsya ngayong weekend para bumoto sa halalan bukas.
Ayon sa pamunuan ng dalawang expressway, suspendido ang lahat ng “lane closure” at pag-aayos ng daan para sa mabilis na biyahe ng mga motorista.
Nagpaalala naman ang CAVITEX at CALAX sa lahat na tiyaking nasa kondisyon ang Breaks, Lights, Oil, Water, Battery, Air, Gas, Engine, Tires at Sarili (BLOW BAGETS) para sa ligtas na pagbiyahe.
Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na special non-working holiday ang araw ng Lunes.