Binalaan ng isang senador ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa pagbabadya nitong magtaas ng singil para sa kontribusyon ng kanilang mga miyembro.
Ayon kay senator Joel Villanueva, dapat munang ayusin ng Philhealth ang anomalya sa operasyon nito bago magtaas ng singil.
Isa na rito ang pagpapalawak ng outpatient drug benefit at emergency package ng PhilHealth na nakasaad sa Universal Health Care Act.
Ang Universal Health Care Law ay hindi para pagyamanin ang PhilHealth, kundi para mabigyan ng de-kalidad na healthcare ang mga Pilipino.