Natukoy na ng Department of Health (DOH) ang 35 local contacts ng 14 na turistang dayuhan na bumisita sa Tubbataha Reef, Palawan na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahigpit nang mino-monitor ang mga indibidwal sa Puerto Pricesa City na nagpakita ng mild symptoms at nagpositibo sa antigen test.
Kasama ang mga close contact na ito sa mini cruise liner na sinasakyan ng mga dayuhan nang dumating sa port ng Puerto Princesa noong Abril 22.
Mayroong 18 Filipino crew ang sakay ng barko kung saan isa na ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa kabuuan, nasa labinlima ang nagpositibong indibidwal na sakay ng mini cruise ship na dumating sa Palawan.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ng genome sequencing sa 15 kaso upang matukoy kung positibo sila sa Omicron subvariant na BA.2.12.