Umabot na sa 1.9 milyong pasahero ang nagbenepisyo para sa libreng sakay sa bus sa Quezon City sa ilalim ng Bus Augmentation Program ng lokal na pamahalaan na nagsimula noon pang Enero ngayong taon.
Ayon kay QC Incumbent Mayor Joy Belmonte makakaasa aniya ang mga residente ng tuloy-tuloy na programa sa pagbigay ng libreng sakay sa mga mamamayan.
Nabatid na ang naturang libreng sakay ay program noong 2020 ng QC para tugunan ang kakulangan ng pampublikong transportasyon dahil sa community quarantine restrictions na itinakda ng pambansang pamahalaan na may walong ruta at may araw-araw na naka-iskedyul na biyahe mula 6 am hanggang 9 pm maliban sa mga piyesta opisyal. – sa panulat ni Tina Nolasco (PAtrol 11)