Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga botante na magpabakuna laban sa COVID-19 sa vaccination centers malapit sa polling areas.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, maaaring makakuha ng primary doses ng COVID-19 vaccine at booster shots ang mga boboto bukas.
Pero nilinaw niya na hindi requirement ang magpabakuna bago bumoto.
Samanatala, sinabi ni COMELEC Spokesperson Rex Laudiangco na kanilang ipatutupad ang mahigpit na public health standards para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 infections sa araw ng Halalan.