Umakyat na sa 32 ang bilang ng mga nasawi habang 64 naman ang naitalang sugatan sa naganap na pagsabog sa Hotel Saratoga sa Havana, Cuba.
Ayon kay Red Cross Official Gloria Bonnin, kabilang sa mga nasawi ay ang 11 manggagawa habang 13 pa sa kanila, ang patuloy pang pinaghahanap ng mga otoridad.
Bukod pa diyan, pinaghahanap parin hanggang sa ngayon ang nasa 19 pang biktima matapos maganap ang pagsabog.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, isang nagleak na gas ang naging sanhi ng pagsabog kung saan, kabilang din sa mga nasawi ang isang buntis at isang bata habang 14 na menor edad pa ang patuloy na nagpapagaling sa ospital.
Sa ngayon, patuloy pang nag-iimbestiga ang mga otoridad, hinggil sa naganap na aksidente.