Nanawagan sa mga botante ang Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa kaso ng vote buying ngayong eleksiyon.
Nakiusap DILG Secretary Eduardo Año na agad na ireport sa mga kinauukulan ang makikita o mahuhuling nagbebenta o bumibili ng boto sa kanilang kumunidad.
Ayon kay Año, hindi kailangang matakot ng publiko at huwag mangimi na ireport sa mga otoridad upang agad na maaksyunan ang vote buying o vote selling activities.
Sinabi ni Año na tungkulin ng mga itinalagang pulis na ipatupad ang liquor ban at tiyaking walang iligal na aktibidad sa mismong araw ng eleksyon.
Inatasan narin ni Año ang Philippine National Police (PNP) na lumikha ng mga anti-vote buying team sa bawat lalawigan at lungsod upang imbestigahan ang mga alegasyon ng pagbili at pagbebenta ng boto bilang pagsunod sa mga batas, tuntunin, at regulasyon sa halalan.