Nakahanda na ang tanggapan ng mga resulta ng mga boto sa mga kandidato para sa 2022 Elections.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), naging maganda ang kanilang preparasyon ngayong halalan kung saan, kanilang ipinasilip sa mga tauhan ng media ang set up ng Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.
Makikita sa PICC ang mga nagtatrabahong National Board of Canvassers na tatanggap ng resulta ng boto mula sa ibat-ibang lugar sa bansa.
Ininspeksiyon naman ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan kasama ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang buong PICC para masigurong walang magiging aberya ngayong eleksiyon.