Magkasamang bumoto sina Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero at kanyang asawa na si Heart Evangelista.
Dakong ala sais ng umaga nang dumating ang dalawa sa Buhatan Integrated School sa Sorsogon City.
Sinabi ni Provincial Government Spokesperson Dong Mendoza na pitong minuto lamang ang itinagal nang pagboto ng mag-asawa.
Si Escudero ay kumakandidato para sa isang bagong anim na taong termino sa senado.
Sa Mag-Aba Elementary School sa Pandan, Antique naman bumoto si senatorial candidate Rep. Loren Legarda.
Si Legarda ay kabilang sa senatorial bet ng Uniteam nina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. At vice presidentiable Sara Duterte-Carpio.