Pinasalamatan ni Aksyon Demokratiko presidential bet at Manila City Mayor Isko Moreno ang lahat ng mga media at vloggers na patuloy na tumutulong at sumusubaybay sa kanilang partido.
Sinabi ni Moreno na hindi niya bibiguin ang lahat ng nagtitiwala sa kaniyang kakayahan na mamuno sa Pilipinas.
Iginiit ni Moreno na kanyang tututukan ang mga Pinoy na nakararanas ng kahirapan partikular na ang mga nasa probinsya.
Nangako din ang presidential aspirant na hindi niya ipapahiya at kaniyang ibibigay ang kapanatagan ng mga Pilipino.
Sa ngayon pang-apat si Moreno sa partial and unofficial vote sa presidential race na mayroong mahigit 1.8 million votes.