Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na nananatiling “in full control” ang kanilang ahensya sa kabila ng mga naiulat na palyadong mga VCM sa iba’t ibang mga polling precinct.
Ayon kay Comelec commissioner George Garcia, “minor” lamang ang naitalang mga aberya sa mga Vote Counting Machines (VCMs) sa eleksyon 2022.
Sinabi ni Garcia na nagkaroon ng malfunction sa mga VCM gaya ng malabong pag-imprenta at pag-reject sa mga balota at pagkakaroon ng problema sa mga machine scanner pero agad naman itong naayos ng operations center at repair hub.
Sa ngayon, umabot na sa 1,867 na VCMs ang pumalya sa buong bansa.