Nag-concede na rin sa presidential race si labor leader at Partido Lakas ng masa presidential candidate Leody De Guzman.
Batay sa partial at unofficial election results mula sa Commission on Elections hanggang kaninang 11:17 ng umaga, nakakuha si Ka Leody ng 91,227 na boto kumpara sa 30,790,691 ni dating senador Bongbong Marcos Jr.
Aminado naman si Ka Leody na nagkulang sila sa campaign efforts, ngunit dahil aniya sa kaniyang kandidatura ay nabigyang-pansin ang ilang mga isyu na nakaaapekto sa manggagawang Pilipino.
Samantala, duda si De Guzman sa hindi transparent na proseso ng eleksyon dahil sa mga naiulat na iregularidad.