Tiniyak ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia na hindi na nila hahayaan mangyari ang kahalintulad na isyu na nangyari ngayong Halalan 2022 sa susunod na 2025 midterm polls.
Ito’y matapos ang kinaharap na mga problema ngayong 2022 elections kung saan nagkaroon ng mahabang pila sa mga polling precincts at ilang Vote Counting Machine (VCMs) ang pumalya.
Dagdag pa ni Garcia na hindi na muling mararanasan ang mga aberyang naranasan ngayong sa eleksyon sa mga susunod pang eleksyon.
Una nang sinabi ni Garcia na nasa mahigit 1, 800 VCMs ang pumalya ngayong May 9 polls.