Malabong magkaroon ng ‘People Power’ scenario bilang pagtutol sa resulta ng Halalan 2022.
Ito ang tiniyak ni acting PNP Chief, LT. GEN. Vicente Danao matapos ang protesta ng ilang grupo sa pangunguna sa presidential race ni dating senador Bongbong Marcos.
Ayon kay Danao, consistent ang partial at unofficial results ng Halalan.
Umaasa naman ang PNP OIC Chief na matatanggap rin kalaunang publiko anuman ang magiging resulta ng eleksyon.
Iminungkahi naman ni Danao sa mga raliyista na sa Freedom Park sa Maynila na lang maglunsad ng kanilang mga aktibidad upang maiwasan ang abala.