Nakaantabay pa rin ang senado para sa turn-over ng Certificate of Canvass (COC) at Elections Returns (ER).
Ayon sa Senate Public Relations and Information Bureau, kahapon pa nila inaasahan ang mga dokumento pero hindi pa ito dumarating.
Ang senado ang tatanggap at mag-iimbak ng COC at ER para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo.
Sa pamamagitan ng Joint Public Session, dapat tumanggap at magbukas ng COC ang senado na hindi lalagpas sa 30 araw matapos ang Halalan.
Mismong si Senate President Vicente Sotto III ang tatanggap ng mga dokumento.