Nanindigan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na walang anumang iregularidad sa voting turnout na mino-monitor ng kanilang mga personnel.
Ito’y sa kabila ng obserbasyon ng mga netizen na mayroon umanong 68 to 32 ratio transmission pattern ng mga boto sa presidential contenders na sina Ferdinand Marcos Junior at Vice President Leni Robredo.
Ayon kay PPCRV Chairperson Myla Villanueva, tinitingnan na nila ang mga reportna naobserbahan ng mga social media users.
Nagpasaklolo na anya sila sa ilang academic institutions, tulad ng University of Santo Tomas at Ateneo De Manila University na wala rin namang nakitang anumang iregularidad sa pattern.
Gayunman, nanawagan si Villanueva sa publiko ng kaunti pang panahon upang masilip ang datos.