Patay ang isang lola matapos umanong ma-heat stroke habang boboto sana sa Dasmariñas City, Cavite, noong Lunes.
Kinilala ang babae na si Erlinda Cahindoy Lachica, 72 anyos, residente ng Barangay Sta. Cristina 2.
Ayon sa Dasmariñas City Police, mag-a-alas-8 ng umaga nang makaramdam ng paninikip ng dibdib at tuluyang nag-collapse hanggang sa bawian ng buhay ang biktima.
Inihayag ni Perlita Lachica na ilang hakbang na lang ang kanyang biyenan at makaboboto na sana sa polling precinct nang mahilo ito at himatayin.
Agad itinakbo sa pagamutan ang lola pero idineklarang dead-on-arrival.