Kinumpirma ni Senator Kiko Pangilinan na siya ay dadalo sa darating na pagtitipon sa maynila sa Mayo a-trese.
Ito ay para kuhanin ang pagkakataong magpasalamat sa mga taong sumuporta sa kanilang kandidatura ni Vice President Leni Robredo.
Sa tweet ni Pangilinan, pinasalamatan niya ang lahat ng nagbigay ng oras, talento, at resources sa kanilang naging kampaniya ni Robredo.
Sinabi ni Pangilinan na maging ang buong mundo ay mararamdaman ang nagkakaisang kampaniya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng taumbayan.
Iginiit ni Pangilinan na hanggang sa ngayon, ay patuloy silang naghahanap ng kasagutan sa kanilang katanungan kaugnay sa naging resulta ng partial and unofficial count of votes ng Commission On Elections (Comelec).