Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) na nasa apat naput anim mula sa isang daan at walumput walong election returns o ERS ng local absentee voting (LAV) ang nakapag-canvass kahapon.
Ayon kay Comelec Acting Spokesperson John Rex Laudiangco, nasa 25% ang kabuuang canvassed lav kahapon na may kabuuang 84,358 na botante ang inaprubahang makapagsumite ng kanilang lav.
Sa nasabing bilang, 74,852 o katumbas ng 88% ang kabuuang bilang ng mga bumotong botante.
Sa ilalim ng lav, ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno; tauhan ng Armed Forces Of The Philippine (AFP), Philippine National Police (PNP), mga miyembro ng media, maging ang mga technical at support staff lamang ang pinahihintulutan na mag-avail ng local absentee voting.