Nagpaabot na ng pagbati si U.S. Secretary of State Antony Blinken kay president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Tiniyak ni Blinken ang mas matatag na ugnayan ng Amerika at Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng bagong administrasyon ni Marcos.
Ayon sa kalihim, mahalaga ang papel ng Pilipinas sa pagtataguyod ng matatag na Indo-Pacific Region.
Umaasa anya ang Estados Unidos na mas magiging malalim at mayabong ang ugnayan nito sa itinuturing nilang pinaka-matandang kaalyado sa Asya, sa ilalim ng pamumuno ng bagong pangulo.