“God bless the new administration, the Filipino people, and the Philippine Republic.”
Ito, ayon sa kampo ni dating presidential spokesperson Ernesto Abella, kasunod ng pag-concede nito sa presidential race.
Ayon kay Johnwin Dionisio, Campaign Manager ni Abella, iginagalang nila ang resulta ng eleksyon at kinikilala si frontrunner former senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika-17 pangulo ng bansa.
Mababatid na nasa ika-7 pwesto sa presidential race si Abella na may 113,238 votes hanggang kaninang 8:47 ng umaga, batay sa partial-unofficial results mula sa COMELEC Transparency Server.