Patay matapos makipagbakbakan sa security forces ang 17 na terorista sa Southern Region, Somali.
Nabatid na ang mga militanteng Al-Shabab ay hindi sumasang-ayon sa patuloy na proseso ng nagpapatuloy na electoral dahilan para magsagawa ng serye ng mga pag-atake upang guluhin ang proseso ng electoral o voting system.
Ayon sa Somalia National Army (SNA), mayroon pang siyam na Al-Shabab terrorists ang nakatakas matapos nilang salakayin ang hide-out sa Southern and Southwestern States.
Sa ngayon, patuloy pang nag-iimbestiga ang mga otoridad, hinggil sa naganap na bakbakan.