Bigong masungkit ng Philippine Women’s National Football Team ang medalya sa Hanoi 2021 Southeast Asian Games.
Natalo ng Vietnam ang football team ng Pilipinas matapos maitala ng 2-1 score sa ikalawang araw ng matchday sa group a ng 2022 Sea Games.
Ang 31st Southeast Asian Games ay isang multi-sports event, kung saan naipapakita o nailalabas nito ang galing ng mga atleta mula sa iba’t-ibang mga bansa.
Samantala, aminado naman ang coach na si Stajcic na nakaranas ng pagkapagod at nerbiyos sa harap ng maraming tao ang mga atleta.
Sa ngayon, patuloy pang lumalaban ang iba pang mga atleta para sa iba’t-ibang kompetisyon sa Hanoi, Vietnam.