Inihahanda na ng Commission on Elections o Comelec En Banc ang mga poll paraphernalia na kailangan para sa pagsasagawa ng special elections sa 14 na barangay sa lalawigan ng Lanao del Sur.
Ito ay matapos na magdeklara ang probinsya ng “failure of elections”
Ayon kay COMELEC acting spokesperson John Rex Laudiangco, 1,374 na bagong printed ballots lamang ang ibibigay ng poll body sa nasabing lugar.
Batay sa mga ulat, nabigo ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na makuha ang 798 na nakaw na balota para sa ilang presinto sa Barangay Ragayan, Butig.
Nagresulta naman sa pagkasira ng mga vcm at 576 na balota ang karahasan na nangyari sa tatlong presinto sa barangay Pindolanan, Binidayan.
Habang nasa labing isang barangay sa bayan ng tubaran ang may seryosong banta ng karahasan at pananakot.
Samantala, tiniyak ni Laudinagco na walang magiging problema sa mobilisasyon ng mga election paraphernalia dahil nakahanda ang mga security forces at field personnel ng COMELEC para rito.