Nagpaabot na rin ng pagbati si Chinese President Xi Jinping kay presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior.
Sa liham sa pamamagitan ng embahada ng Tsina, tinawag ni Xi si Marcos bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas kahit inaasahang sa May 27 o 28 pa ipoproklama ng Kongreso ang susunod na presidente at bise presidente.
Personal na iniabot ni Chinese Ambassador Huang Xilian ang liham nang bisitahin nito si BBM, kahapon.
Miyerkules nang batiin din ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Zhai Lijian sina Marcos at runningmate sa pagkabise-presidente na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanilang pagkapanalo.