Kinumpirma ng North Korea (NoKor) ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa at nagdeklara ng “severe national emergency”.
Tiniyak naman ni NoKor Supreme Leader Kim Jong Un na wawakasan ang virus.
Hindi kailanman isinapubliko ng North Korea ang kaso ng COVID-19 pero base sa mga sample na nakuha sa mga pasyente, “consistent” ang Omicron variant ng virus.
Ipinag-utos naman ni Kim ang mas mahigpit na border controls at lockdown measures.