Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na patuloy itong makikipag-ugnayan sa mga electric provider sa bansa hanggat hindi pa natatapos ang canvassing ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay Energy Undersecretary Gerardo Erguiza Jr. Kanilang gagampanan ang mga tungkulin para sa halalan hanggang sa maiproklama na ng COMELEC ang mga nanalo sa katatapos lamang na eleksyon noong Mayo a-nueve.
Patuloy din ang ginagawang monitoring ng DOE at pagtitiyak sa suplay ng kuryente para matiyak ng gobyerno na hindimakukuwestyon ang kabuuang proseso ng halalan at integridad ng resulta nito.