Kasado na ang idaraos na thanksgiving event ni vice president leni robredo at Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa Ateneo de Manila University sa Quezon City ngayong ala singko ng hapon hanggang alas-otso ng gabi.
Layon ng tinaguriang “Tayo Ang Liwanag: Isang Pasasalamat” event, na pasalamatan ang lahat ng kanilang supporters at volunteers.
Idaraos sana ito sa Quezon Memorial Circle ngunit inilipat ito alinsunod na rin sa desisyon ng lokal na pamahalaan ng quezon city na hindi magbigay ng permit.
Paliwanag ng Quezon City Department of Public Order and Safety, maaari kasing magdulot ang nasabing event ng matinding trapiko, stranded na mga pasahero, at panganib sa kaligtasan ng publiko sa lungsod lalo’t weekday ito idaraos.
Batay sa partial-unofficial results mula sa Commission on Elections (COMELEC) transparency server hanggang kaninang 9:47 ng umaga, nasa ikalawang pwesto sa presidential race si Robredo na may 14,822,051, gayundin si Pangilinan sa vice presidential race na may 9,232,883.