Nadagdagan pa ang bilang ng mga lumabag sa umiiral na COMELEC gun ban ilang araw matapos ang eleksyon.
Batay sa datos ng PNP Command Center, sumirit na sa 3,235 ang kabuuang bilang ng mga nahuling lumabag sa gun ban.
Sa nasabing bilang, 23 ang mga pulis, 22 ang sundalo, 60 ang mga sekyu, at 3,104 ang mga sibilyan.
Umakyat naman sa 2,513 ang kabuuang bilang ng mga nakumpiskang armas na kinabibilangan ng 2,125 small firearms, 84 light weapons, at 143 replica.
Samantala, pumalo na sa mahigit isang libo ang mga nasabat na deadly weapons (1,171), kasama na rito ang 1,040 bladed weapons, 131 explosives, at 15,709 ammunitions o bala.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa may pinakamaraming nahuling lumabag sa gun ban matapos umabot sa 1,160, sinundan ng region 4-A, 346; region 7, 335; region 3, 301; at region 6, 193. sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)