Wala pang nakikitang surge sa COVID-19 cases sa Pilipinas ang National Task Force against COVID-19 matatapos ang Halalan noong Lunes.
Sa kabila ito ng unang babala ng NTF na posibleng tumaas ang kaso dahil sa maraming Pilipinong lumabas sa kanilang tahanan upang bumoto.
Ayon kay Dr. Ted Herbosa, medical adviser ng National Task Force, nananatili pa rin mababa ang kaso nitong nakalipas na mga araw.
Sa katunayan, mayroong tatlo hanggang limang araw na incubation period at walang spike ng COVID-19 cases.
Sa ngayon, pinag-aaralan na ng pamahalaan na araw-arawin ang pagtungo ng vaccination teams sa ilang lugar sa BARMM na may mababa pa ring vaccination rate.