Malugod na tinanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG), mga organisasyon at attached agencies nito ang pagkakatalaga kay dating MMDA chairperson Benjamin Abalos Jr. bilang susunod na kalihim ng ahensya.
Ayon kay DILG secretary Eduardo Año, nakita niya ang pagsusumikap ni Abalos na maipatupad ang COVID-19 pandemic response sa Metro Manila noong nakatrabaho niya ito.
Kumpiyansa ang kalihim na paiigtingin pa ni Abalos ang Interior and Local Government sectors para sa peace and order, public safety at local governance.