Inaprubahan na ng Regional Wage Board ang dagdag sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila at Western Visayas.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), naglabas ng wage order ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) – National Capital Region nitong Mayo a-13.
Nakapalood sa kautusan ang P33 na taas-sahod kada araw sa minimum wage earners sa NCR.
Dahil dito, inaasahang papalo na sa P570 ang minimum wage sa Non-Agriculture sector sa NCR at P533 sa mga nasa agriculture sector.
Maliban sa NCR, inaprubahan din ng Wage Board ang umento sa sahod ng mga manggagawa sa Western Visayas ng naglalaro sa P55 hanggang P110.
Kasama ito sa umento na P500 sa sahod ng mga kasambahay sa Western Visayas.