Posibleng isulong ng paparating na administrasyon ni presumptive president Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mas mataas na buwis partikular sa buwis sa konsumpsyon.
Kabilang sa mga sinasabing konsumpyon ay sin products, mga properties at passive incomes gaya ng real estates at cryptocurrency.
Ayon kay Economic think tank IBON Foundation Executive Director Sonny Africa, paraan ito para mabayaran ng bansa ang mamanahing utang ng susunod na admistrasyon sa rehimen ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, nagpapahiwatig kasi si Marcos ng pagnanais na ituloy ang programang predecessor’s Build, Build, Build at posibleng ipagpatuloy nito ang economic policies ni Duterte.
Sa ngayon, pumalo na sa P12.679-T na ang utang ng Pilipinas hanggang sa katapusan ng Marso ngayong taon.
Bagama’t lumobo na ang utang ng bansa, tiniyak naman ni Africa na nananatiling ‘manageable’ ito at malayo pa mangyari sa Pilipinas ang nangyari sa Sri Lanka.