Higit pa sa kapayapaan at disiplina ang kailangan para solusyonan ang nagpapatuloy na krisis sa edukasyon sa bansa.
Ito ang naging tugon ng grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) kasunod ng napipintong pagtatalaga kay presumptive vice president Sara Duterte- Carpio bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) sakaling maupo na ang bagong administrasyon.
Ayon kay ACT Philippines Secretary General Raymond Basilio, kailangan munang kilalanin ng gobyerno ang ilang pangunahing problema sa sektor ng edukasyon.
Aniya, kabilang na rito ang nagpapatuloy na krisis sa karunungan at hindi magandang kalidad ng edukasyon sa bansa, mababang pasahod sa mga guro at pagbubuwag sa sense of history ng bansa at katotohanan.
Dagdag pa ni Basilio, bagama’t hindi natumbok ng kasalukuyang administrasyon ang mga problema sa edukasyon, patuloy pa rin nilang gagampanan ang kanilang trabaho na magturo at lumaban sa napapatuloy na inhustisya sa bayan.