Inaasahan ni Department of Labor and Employment (DOLE) secretary Silvestre Bello III na maglalabas ng minimum wage hike orders ang ibang Regional Wage Board sa susunod na linggo.
Ito ay matapos na mag-anunsyo ang DOLE ng P33 increase sa daily minimum wage sa National Capital Region (NCR) at P55 hanggang P110 sa Western Visayas.
Sa nasabing taas-sahod, nasa P570 na ang minimum daily wage sa Metro Manila habang P450 sa mga pribadong establisyimento na may mahigit sampung empleyado sa Western Visayas.
Samantala, ilang labor groups ang nagsasabing hindi sapat ang naturang wage increase.