Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang hilagang bahagi ng Wellington, New Zealand.
Base sa preliminary data ng New Zealand’s Earthquake Commission and Geological Survey (GEONET), namataan ang lindol sa Tasman Sea kung saan, may lalim ang pagyanig na 28.2 kilometers.
Dahil dito, apektado ang nasa 10 lugar na sakop ng nabanggit na bansa.
Patuloy naman nagsasagawa ng operasyon ang mga otoridad para alamin kung may naiulat na bilang ng mga nasawi o nasugatan matapos ang lindol.