Sa halip na bumili ay posibleng mag-renta na lang ng mga Vote Counting Machines (VCMs) ang Commission on Elections (Comelec) sa susunod na halalan.
Ayon kay Comelec commissioner George Garcia, walang sapat na pondong ibinigay ang kongreso sa Comelec.
Noong May 9 elections, aabot sa 1, 867 VCMs ang nasira na kadalasang problema ang rejected ballots, paper jam at problema sa scanner at printer.
Nasa higit 900 ang depektibong VCMs noong halalan kung saan 200 ang pinalitan.