Niluwagan na ng gobyerno ang restriksyon para sa pagbiyahe ng poultry products sa bansa sa kabila ng naitalang Bird flu outbreak.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), papayagan nang ibiyahe ang mga poultry products lalo na yung buhay na ibon at itlog mula sa mga lugar na may kaso ng Bird flu.
Pero ito ay sa kondisyong kailangang negatibo ang produkto sa sakit.
Batay sa pagsusuri, karamihan sa tinamaan ng bird flu ay mga pato at pugo.
Sa huling tala, nasa 91 sa 92 kumpirmadong kaso ng Bird flu ang naresolba magmula nang ipinatupad ang restriksyon noong Mayo a-11.