Nakatanggap ng P100, 000 cash incentives ang apat na centenarian sa ibat-ibang lugar sa Davao Region.
Ito ay matapos nilang makumpleto ang mga dokumentong kailangan para sa nasabing cash gift.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Davao Region, sa Island Garden City of Samal sa Davao Del Norte natanggap na ni Sofia San Juan, 102 years old, ang P100,000 na ayuda habang ang naiwang pamilya naman ng namayapang si Agripina Jala, 100 years old ang tumanggap ng cash gift.
Sa bayan ng Sulop, Davao Del Sur, personal namang tinanggap ni Encarnacion Certifico, 100 years old ang kaniyang P100, 000 mula sa local government unit at provincial government.
Sa bayan ng Magsaysay, Davao Del Sur, nakuha narin ni Francisco Suarez, 100 years old ang P100, 000 cash na malaking tulong sa kanilang pamumuhay.
Ang pamamahagi ng P100, 000 cash gift sa mga centenarian ay alinsunod sa Republic Act No. 10868 o ang “The Centenarian Act Of 2016.”
Samantala, nagpaalala naman ang regional DSWD sa pamilya na gawing prayoridad ang pangangailangan ng mga centenarian sa natanggap na ayuda.