Aminado ang Commission on Elections (COMELEC) na nagkaroon ng kapalpakan sa gitna ng 2022 National and Local Election noong Mayo 9.
Ayon kay Commisssioner George Garcia, kabilang sa mga naging problema noong eleksiyon ay ang mga Vote Counting Machines (VCMs) at SD cards dahilan para magreklamo ang maraming botante dahil sa matagal na paghihintay sa pila noong araw ng botohan.
Humingi naman ng paumanhin si Garcia sa mga naapektuhan ng naturang aberya maging ng matagal at mahabang pila.
Iginiit ni Garcia na hindi parinmaaaring isisi ang lahat ng problema sa mga makina.
Nangako naman ang COMELEC sa publiko na ang mga VCM na ginamit ngayong taon ay hindi na nila gagamitin pa sa mga susunod na halalan.
Umaasa din si Garcia na mapagbibigyan ng kongreso ang hiling ng kanilang ahensya na bigyan sila ng sapat na pondo para sa pagbili ng mga bagong VCMs.