Tutol si Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes na buwagin ang party-list system sa bansa tulad ng nais ng Pangulong Duterte.
Subalit nilinaw ni Ordanes na pabor siyang masuri ang sistema at kung mayroong sapat na basehan ay maisulong ang reporma.
Katuwiran ni Ordanes, kapag binuwag ang Partylist system, madedehado ang marginalized sector ng lipunan dahil mawawalan sila ng representasyon sa mababang kapulungan ng kongreso tulad niya na kumakatawan sa mga nakakatandang populasyon ng bansa.
Tinukoy din ni Ordanes ang mga isinulong niyang panukala sa kamara tulad nang pagtatatag sa National Commission of Senior Citizens at ang P1-K buwanang pensyon sa mga Indigent senior citizens partikular sa mga mahihirap na senior citizens at ang tanging patunay lang na kailangan ay wala silang regular na pinagkakakitaan.
Sa huling datos tinatayang may P12-M senior citizens sa bansa at kalahati sa mga ito ang walang pensyon.