Dalawa (2) pang indibiduwal ang nahulihan na naman ng bala sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Batay sa datos ng PNP Aviation Security Group, patungo sa magkahiwalay na destinasyon ang dalawang nahulihan kaninag madaling araw.
Isang 27-anyos na hindi pinangalanang babae ang papaalis kaninang alas-3:00 nang makitaan ng bala ang bagahe nito sa NAIA Terminal 3.
Sinasabing nagkapalit umano sila ng bag ng kaniyang kapatid na umako sa nakitang bala dahil sa paniniwala sa anting-anting.
Samantala, isang 27-anyos na lalaki naman ang nakitaan din ng bala makaraang bulatlatin nito ang kaniyang shoulder bag sa NAIA Terminal 4.
Umamin naman ito sa pulisya na mayroong lisensya ang balang nahuli sa kaniya ngunit naiwan ito sa kanilang tahanan.
Dahil dito, agad isinailalim sa inquest proceedings ang nasabing lalaki dahil sa kabiguan nitong ipakita ang kaniyang lisensya at permit to carry.
By Jaymark Dagala