Lumala ang kondisyong pang kalusugan ni TV host actress Kris Aquino.
Inamin ito mismo ni Kris matapos ibunyag na life threatening na ang kanyang sakit.
Kasunod na rin ito nang mahigpit na pagtanggi ng Queen of All Media sa mga napaulat sa social media na na confine siya, isinugod sa ICU at mamamatay na ito.
Sa kanyang walong minutong video, sinabi ni Kris na lalabas muli siya ng bansa para makapagpagamot.
Ayon pa kay Kris, ipinagmamalaki niya ang kanyang pagiging tapat at katapangang harapin ang hamong ito sa kanya at nais niyang magpasalamat sa mga nagdarasal para sa kanyang paggaling gayundin ay aminin ang tunay na istorya sa kanyang health condition.
Ipinabatid pa ni Kris na nag aalala ang kanyang mga doktor na magkaroon ng problema sa kanyang puso at baga ang tatlong kumpirmadong autoimmune conditions nya: ang chronic spontaneous urticaria, auto immune thyroiditis at vasculitis kayat lahat ng paraan ay pinasusubukan sa kanya.