Nababahala ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) sa magiging epekto sa maliliit na negosyo nang inaprubahang dagdag arawang sahod para sa mga manggagawa sa Metro Manila at Western Visayas.
Ayon kay Sergio Ortiz-Luis, Pangulo ng ECOP, mayorya ng maliliit na negosyo ay hindi alam kung saan huhugutin ang ipasasahod dahil sa pagkalugi bunsod ng COVID-19 pandemic.
Kahit maliit lang anya ang P33 na umento, marami pa ring employers ang umaaray dito.
Nabatid na nasa 90% ng mga negosyo sa Pilipinas ay kabilang sa Micro Enterprises na nag-aambag ng 65% workforce sa bansa.